*tala-blog*
*Welcome*

this is my own little place in this big world. i say what i want. i do what i want. but only here where i am free to express my thoughts. no one can stop me now. no one. so just have a bite of what i've got. have a taste of my world. -talalicious-
*About Me*

Krystal Guinto
"tala"
09/03/83


starfalling4u@yahoo.com
talakitok@praning.com
xtal.com@gmail.com
Saturday, March 12

Happy 2nd Anniversary Poo Poo!

Can you spot the differences? Haha. Oo na alam kong madami! Hehe. But aside from me having more hair and he less, kung mapapansin niyo (kung lang ha) the BEFORE picture was taken at Tapsi Royale sa tapat ng DLSUD nun March 12 of 2003 tapos the AFTER picture was taken at Washington DC nun February 26 of 2005. So ano ngayon? Well para sa akin kasi malaking bagay yun eh. Nag simula kami sa Dasma at parang Tagaytay ang pinakamalayo namin nararating pero ngayon ang layo na ng nararating namin with matching i-snow. O diba! And alam ko mas marami pa kami mararating basta't magkasama pa rin kami. Eh 2 years pa lang to ng buhay namin magkasama, pano pa kaya yun mga susunod? ABANGAN!! Hihihi..


BEFORE and AFTER

Grabe, ang saya! 2 years na kami ni Rgie! Sa dalawang taon na yon, ang dami dami dami dami namin napagdaanan. As in literal talaga. At kung san san pa kami nakarating. Pero eto pa rin kami. Wala talaga makakasira sa amin. Ganun siguro kapag true love talaga. Isipin niyo naman, 8 months kami magkahiwalay at hindi nagkikita. Konting usap lang sa phone, email, YM, irc, chikka, lahat na ng paraan nagawa na yata namin para lang makapagusap. Minsan may tampuhan, selosan, asaran, pero "i love you too" pa rin ang huling sasabihin. Tapos ngayon nagkita uli kami pero 2 weeks lang din magkasama kasi nagbakasyon lang ako sa trabaho. Ngayon magkahiwalay nanaman pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa. Gagawa ng gagawa ng paraan ang kapalaran namin para magsama uli. At alam kong malapit na yon. Maraming bagay sa mundo ang hindi ko maintindihan pero iisa lang ang sigurado ko.. na mahal na mahal ko si Rgie at pang habang buhay ko siya mamamhalin.



Rgie sent me these beautiful roses. Isn't he the sweetest? Kahit magka hiwalay kami ngayon, he really knows how to make me smile. Thank you Poo!



* tala * caught some stars @ *3/12/2005 10:17:00 PM*